March Baby

Oh my! Look what I found!!!

Dude, This is so me…. But not sure on the sexy and great kisser part tho 😀 😀 😀

selfie

*photo is from google

Advertisements

Why blog?

bakit nga ba? Hindi ko rin alam eh bilang hindi naman ako talaga marunong mag blog.  Wala rin akong hilig sa pagsusulat. Pero naisip ko, hindi lang naman siguro writers ang pwedeng mag blog diba?

Sa totoo lang, gusto ko lang magkaroon ng parang diary. Yung may password na hindi basta basta mabubukas at mababasa lahat ng nakasulat. Yung magkaroon ng kalayaan na  ilagay at isulat ang lahat ng gusto kong sabihin na hindi ko kayang sabihin sa iba. Yung pwede kong itago ang identity ko na kahit mahanap nila ito ay hindi nila maiisip na ako ang nag mamay-ari..

Maaring may makabasa ng mga posts ko, pero wala akong takot na nararamdaman dahil alam kong kaya kong tanggapin kung ano man ang sasabihin nila. Why? Because they don’t know me personally.  Mas masakit kasi sa pakiramdam na i-judge at maliitin ng saring kaibigan o kapamilya. Mas mahirap tanggapin dahil kung minsan, kung sino yung mga tao na mas nakakakilala saken, sila pa ang mapanghusga.

Salamat sa blog. Salamat sa kalayaan na ibinigay nito at sa pagbibigay ng karapatan na ilathala ang mga nararamdaman ko.

When the Star Stops Shining (part 1)

Nung bata ka pa ang daming naniniwala sa kakayanan mo. Pamilya mo, mga teachers at classmates mo sa school ay bilib na bilib sayo. Competitive ka, nag ta-top ka sa klase at sobrang active ka sa school. Isa kang makintab na bituin sa paningin nila. Salutatorian ka pa nga nung grumaduate ka nang elementary eh.

Magaling ka pa rin naman nung highschool. Active ka pa rin at laging nagpaparticipate sa ibat ibang activities. 2nd year nainlove ka. Puppy love daw sabi nila. Mejo affected studies mo nun kasi nga inlab ka, pero ok lang, pasok pa rin naman sa top 5. Yung dating makintab na bituin, nabawasan ng konting ningning. Sobrang konti lang naman. Mejo nawalan ka kasi nang gana nung malaman mo na may favoritism sa school mo. Pero marami pa rin naman ang naniwala na isa ka sa magagaling sa klase.
Nung college kelangan mo lumuwas at magstay malayo sa pamilya mo. mahirap sa una pero kinaya mo. Ewan ko kung ano nangyari sayo. Yung ningning mo halos nawala. Ang laki ng nabawas. Masyado ka kasi nagpaapekto sa mga tao sa paligid mo. Oo! marami sa kanila magaling talaga at feeling mo hindi mo kayang makipagsabayan. Dumagdag pa yung ibang classmates mo na minamaliit ka.
Naalala mo pa ba, sa debate class nyo? Sa prepared speech ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na marka. Umiyak ka sa klase dahil masyado ka naoverwhelm. Nagulat sila. For the first time napatunayan mo na kaya mo pala sila matalo. Pero after ng debate class nyo , lumapit isang classmate mo at tinanong ka, “ikaw ba talaga yan? di ako makapaniwala eh.” insulto dating sayo pero hinayaan mo na lang.
Ikaw kasi eh. Bakit ba sa tuwing dumadating prof mo at may oral recitation kayo eh lagi ka namemental block. Di ka sumasagot kahit alam mo at may idea ka sa topic. Bakit kasi nagpadala ka sa takot? Pero hindi din naman kita masisisi. Mahirap nga naman patunayan sa kanila ang sarili mo lalo na kung mismong mga kaibigan mo, nagdadoubt sa kakayanan mo. Naalala ko isang beses, may activity kayong gagawin. Lahat ng participants huhulaan ang mga leaders at pipili ng isa. They thought you were one of them since may nakasula na”dancer” dun sa isang pagpipilian. Sa department nyo kasi dun ka kilala. Sa pagsayaw at pagsayaw lang. Pinili ng mga kaibigan mo yung dancer kasi nga they thought it was you na kaibigan nila and not because you have the potential of being a good leader. Nasaktan ka diba? pero kahit naman anong gawing mo, sa pagsasayaw lang sila may bilib sayo. Pagdating sa academic, lahat lang ng kapalpakan mo ang naaalala nila. Sad but true……

Continue reading

Prima Donna

-My sister who’s living with us.
-She loves bossing around with another sister.
-Papasok sa work, pag-uwi kakain tapos matutulog.. in short, prinsesa ang peg.
-Not spending any amount for our expenses pero half lang ang binibigay na allowance sa kapatid namin na nag-aaaral pa.. reason is wala na daw siya pera kasi may bibilhin na kung ano man.. Kapal ng mukha.
– papasok sa work, uuwi ng late dahil kasama ang chix na boypren. Ok lang naman pero walang pasabi.. Take note, nakikitira siya sa amin not in my parents’ house.
-Pagsasabihan mo pero siya pa ang galit.. dahil jan malapit ko na siya mapalayas.

 

Ilan lang yan sa mga kamalditahan niya.. Honestly, I want her out of our house. She’s on the right age to stand on her own and live independently. I’m married and I have a four year old daughter. Kung tutuusin sariling pamilya ko dapat and inaasikaso ko. Pero dahil sa amin siya nakatira, nagiging obligasyon ko pa.. Damn!! She’s really getting into my nerves.

Wala naman problema kung dito siya mag stay pero sana lang marunong siya makisama. pakshet kasi. parang ang lagay eh kami ang nakikitira sa kaniya.. Sobrang nahihiya na ako sa asawa ko dahil sa attitude niya/nila…Naku! Konti na lang talaga!!!!!

Namiss Ko Ang Bespren Ko!!!

Dear bespren,

Grabe, ilang months na rin pala since the last time tayo nagkita.. Did you miss listening to my stories? Ako kasi namiss ko talaga magkwento sayo.. Sorry if I wasn’t able to check on you.. busy eh.. Pero ngayon na may time na ako ulit eh for sure magsasawa ka sa pangungulit ko.. :D:D:D I love you my Bloggie!!!

Ang Mahiwagang Sinturon

Madalas kami lumalabas ni Jelloh tuwing weekend. Busy sya sa work, ako naman sa school kaya walang masyadong time on weekdays. One Sunday morning, I received a message from him.. Labas daw kami. Wala nman ako gagawin kaya ok lang.. We stayed in the mall the whole day.

9pm kami nakarating sa dorm. 10pm pa naman ang curfew kaya we still have time to talk. After a few minutes, bahagya nang sinara ni manong guard ang gate. Nagpapahiwatig na kelangan ko na pumasok.

Nagpaalam na ako sa kanya then I hugged him. Mahigpit, mejo matagal.. Tapos bigla na lang ako may naramdaman na something na matigas. Parang may nakatusok sa tummy ko. Then I noticed na iniiwas nya yung lower part ng body nya sa katawan ko habang magkayakap kami. Di ko na lang pinansin. Umakyat na ako pero iniisip ko pa rin kung ano yun.

It happened more than twice siguro. I didn’t ask him kasi parang ang awkward naman. After 2 years of togetherness, finally natanong ko rin sya.And his answer was “huh? Wala lang yun. Belt ko yun. Diba may bakal ang belt? Yun siguro naramdaman mo.. “

Do ko alam kung belt lang ba talaga yun or what until kinasal kami, same answer pa rin naririnig ko sa kanya. Mejo iba lang ng konti.. this is what he said: “belt ko lang yun.. (while laughing) tsk tsk! Bastos mo po.. “.. okay!! Hahahahaha! Alam na!! 😀